<
> Thus Spake Bum
<>

April 5th, 2007

Gloria, Sa Iyong Kaarawan
POSTED AT 12:47 AM

Noong nakaraang taon, hindi sa Huwebesanto tumapat ang kaarawan mo. Karaniwang araw, gutom ako. Kaya naupo na lang at lumiham sa iyo ng isang mapait na pagbati. Hindi ko alam kung umabot iyon sa palasyo. Malamang hindi, dahil heto ako, malaya pa ring nakakapagsulat at nakakapangalsada. Patula kitang binati noon, ikinumpara pa nga kita kay Keanna, yung putang artista, kaibigan ni Rustom Padilla. Sabi ko, mabuti pa si Keanna, pareho kayong puta, pero nakalaya na siya sa tanikala ng kahapon. Habang ikaw ay patuloy na tumatandang kabastos-bastos. Regaluhan kaya kita ng isang supot ng naipong tamod? Hindi po, hindi ako dugyot. Kayo lang ng mga kapanalig mo ang dugyot. At walang dugyot sa tamod. Galing ka lang din naman sa puson ng magiting mong ama, sumalangit nawa siya. Sumalangit nawa si Nida Blanca. Sumalangit din sana ang lahat ng mga ipinapatay mo kay Palparan. (sa ngalan ng pananatili sa luklukang ninakaw)  Naalala kong bigla, sa isang kapihan sa Maynila, ginawan kita ng kanta, sa himig ng Lupang Hinirang. Ganito ang sinasabi sa huling taludtod: aming ligaya na ‘pag may naaapi ang mamatay nang laban sa’yo. Hindi ako nagbibiro. Sa dibdib ang kanang kamao, taas-noong uulitin ko: ang mamatay nang laban sa’yo!

Noong isang taon, hindi sa Huwebesanto tumapat ang kaarawan mo. Karaniwang araw, pagod ako. Pagod ako sa kasisigaw para sa katarungan, sa lansangan. Habang ikaw ay nagdiriwang sa loob ng nagtatangkarang dingding ng Malakanyang. Ngayon naman, nagawa mo pang magnilay-nilay sa lilim ng Baguio, kuno. Aling Diyos ba ang kausap mo? Susuhulan mo rin ba ang mga anito’t engkanto? Ang sabihin mo, ipinaluluto mo sa demonyo ang kahihinatnan ng eleksyon. Ang kapalaran ni Defensor, ni Pichay at ni Singson. Ano kayang histura ng Senado kung magkagayon? Malamang, araw-araw Biyernesanto. Araw-araw, kaarawan mo. Kaarawan ng pasismo, nepotismo, terorismo, tanginamo! Patawarin ako sa Huwebesantong ito, araw ng pagkakanulo. Gusto ko sanang magpaka-kristiyano, at sabihing pinatatawad na kita Ginang Arroyo. Pero naisip ko, kung patatawarin kita, alin ba ang mababago? Mababawasan ba ang bilang ng walang trabaho? Liliit ba ang nunal mo? Huhupa ba ang libog ko? Oo, marahil bihag ako ng poot, at palalayain ako ng pagpapatawad. Pero, alin ba ang mababago ng aking kalayaan? Lalaya rin ba si Beltran? Titigil ba ang pananakal? Bibilis ba ang pag-usad ng katarungan? Wala namang mababago. Ikaw lang ang mananalo.

Hindi laging sa araw na ito papatak ang Huwebesanto. Pero isa ang sigurado: Biyernesanto ang araw-araw namin sa piling mo.

-o00o-

Siya nga pala. Heto ang kabuuan ng tulang ipinadala ko sa Malacanang noong nakaraang taon, April 5, 2006. Lumabas din ito sa tulang pinoy at iba pang online poetry publication.

Gloria, Sa Iyong Kaarawan

Lolito Go

Nakikini-kinita ko na ang dagsa ng iyong mga bisita

Magpapalakpakan silang sasalubong sa iyo’t kakanta

Isasayaw ka ni Mike, habang patuloy ang palakpakan

Pero walang anghel na makikisayaw sa inyong pagbubunyi

Walang bituing tatanglaw sa malamig na bubungan ng palasyong

Kumukupkop sa isang sumpa, lahat sila’y luluha, uulan bukas

Sapagkat,

Isang taon na naman ang naidagdag sa iyong gulang

Nagulangan mo na naman si kamatayan. O nasuhulan?

Magkano mo kaya naisanla ang iyong kaluluwa?

Mabuti pa si Keanna, nakalaya na siya sa tanikala ng kahapon

Narinig mo na ba ang kaniyang mensahe para sa iyo?

Pareho kayong puta, pero naisuka na niya ang  karungisan

Habang ikaw ay tumatandang kabastos-bastos at balasubas

Hindi ka ipagtatanggol ng Gabriela kung sakaling dumaing ka

Sa maraming pandudusta at panggagahasang dinaranas

Dahil hindi ka babae. Dahil hindi ka tao. Dahil hindi ka dehado.

Ikaw ang bugaw na nagtutulak sa mga babaeng magpakaputa

Dahil ibinulsa mo nang lahat ang dapat sana’y para sa kanila

Hindi ka maaaring mag-angkin ng kapayapaan at kalusugan

Sapagkat ikaw mismo ang tumututol na sila’y mamukadkad

Kahit kaarawan mo pa ngayon, kahit kaarawan mo pa araw-araw

Sige lang, magpakalango ka pa sa kapangyarihan

Hipan mo pa ang mga kandila ng aming kabuhayan

Sa araw-araw mong pagdaraos ng iyong mga tagumpay

Sa kaarawan ng paghuhukom, hindi ikaw ang lalamon,

Ikaw ang lalamunin ng apoy. Hindi ikaw ang hahalakhak,

Ikaw ang pagtatawanan sa piitan ng kaluluwa magpakailankailanman

      for more anti-gloria poetry just click here.

Currently listening to: You and I Both by Jason Mraz
Currently reading: news.yahoo.com
Currently feeling: makabayan

- - - - - - - - - - - -
<>

March 22nd, 2007

Of Folklores And Thunder
POSTED AT 11:13 PM

Because I have my left leg swollen like hell, I’m sad. I’m not sad anymore that I’ve lost my phone to electronic-repair malpractice. The fact that hundreds of patients die everyday due to medical malpractice somehow gives me relief. Had I been the phone, I could have lost more, I mean everything. My left leg is not everything to me, but it is more than the phone plus the right leg. I can manage to walk with a crippled right leg, I know because I’ve been through that several times. It may sound funny but that’s a proven fact, at least in me.

 

Three days and counting, I am starting to feel anxious about the nature of this injury. My mother too is close to being convinced that this is more than simpleng pilay. So she considers the help of a hilot or a tawas. That brings me to sadness. Because my mother, amidst the fast-changing internet generation, is still stuck to the antiquity of unfounded folklores. I told her: “Ma, I don’t want to be another Armando Castro.” She said, “what Armando Castro are you talking about? Your knowledge of trivial history won’t cure you!” And then I answered back irascibly, “at least such knowledge can prevent me from being killed”. “Sometimes, reluctance can kill”, she concluded. After that, she turned a deaf ear to my screaming from the room because of pain.

 

I demand a hospital confinement.

 

 

Now here’s a poem I’ve been meaning to write since I developed keraunophobia. Keraunophobia, says Wikipedia, is the morbid fear of thunder and lightning. I specifically fear the thunder, especially when it is rolled in the key of F.

 

paano pipigilan ang kulog

lolito go

 

may katahimikang namamahay sa dilim ng gabi

na sa isang iglap ay

nabasag

nang mabitiwan ko ang bitbit na tasang

may lamang hihiguping kape.

.

kumulog, kumidlat. kumislot ang

ugat. at muli pa

nanumbalik sa alaala ang tutang

napaslang ng initsa kong plapla

nitong nagdaang bagong taon

mula noon,

 

lagi na akong takot sa kulog

sa kalatog, sa alinmang pumuputok

o sumasabog.

 

at nang makita ko ang mga bubog

sa sahig, hindi ko maiwasang maalaala

ang nagkadurog-durog na buto

ng kawawang aso.

ang basag niyang bungong

umuusok.

 

nagmantsa na yata sa gunita

ang dugo ng apdo. ang atay at bituka.

ang amoy ng pulbura. nagmantsa na yata

ang halakhak ng lasing. ang hagikhik

ng watusi. ang palahaw ng kuwitis.

sabi ko, lilipas din ito tulad ni nora aunor

na naglahong parang talang nalagot.

 

matatahimik din ako.

matatahimik din ako.

 

matatahimik din ang tuta.

lalo pa’t  tinipon ko siya

noong malagim na tagpong iyon

ang mga piraso ng kanyang

madugong bangkay

ay maingat kong pinulot

at isinilid sa kahon. sabi ng matanda

pagtirikan ko raw ng kandila sa kalsada

at pagkatapos ay bigyan ng disenteng libing.

sa gayo’y matatahimik siya

at hindi na tatahol pa

sa aking paghimbing. subalit,

 

hindi. hindi pala ganoon kadali.

 

kumulog na naman

kagabi..

 

 

What? This is not about keraunophobia, dear bum. This is more of paranoiah.

 

Well, yeah.

 

Currently listening to: Jake Shimabukuro
Currently watching: Daisy Siete. (seriously)
Currently feeling: kating-kating gumala

- - - - - - - - - - - -
« Newer · »

NAVIGATION

home
profile
gallery
friends
friends of
favorites
content
archives
links

tagboard

your name:

url:

your message:



links

links