POSTED AT 09:53 AM
Eniwey, magpapakilala muna ako.
Ako si bum, beinte-uno anyos, isang bagamundo. Yun lang muna, hindi pa kasi tayo close. Hamo't kukuwentuhan kita nekstaym.
***
Siya nga pala, bertdey ng Mama ko ngayon. 58 na siya, maganda pa rin, mahal pa rin ako. Hayun, in fairness sagot ng mga fans nya ang handaan. Marami akong nakain kanina kaya siguro hindi ako makapag-ingles masyado. Inglisero kasi ako kapag gutom o kaya pagod o kaya galit o kaya malungkot. Sa ngayon nan op da abab. Busog ako, nakapagpahinga, at kasalukuyang nakangiti. Masaya ako kasi may bago na naman akong tahanan. May bago na namang lagusan ang hindi maawat na pagbugso ng aking mga sentimiyento, at paminsan-minsang kayabangan. Gusto ko nga sanang magmayabang na agad aktuli eh, at sabihin sa inyong kaya kong tapusin ang rubik's cube in less than 30 minutes. O kaya, kaya kong gayahin ang boses ni Charlotte Church, at kaya ko ring patunayang 169 talaga ang pinakamaliit na Lychrel number.(Alam mo ba ang Lychrel number?) Kaya lang, naisip ko, galit ako sa mayayabang. So as much as possible magpapakahumble muna ako habang hindi ko pa kayo nakukumbinsing ako ay GOD.
Seriously, im not serious. Wala akong ilusyong ako ay omnisyente o imortal. Ang alam ko lang dakila ako. At alam kong self-proclaimed yun. Pwede kang kumontra basta ba kamukha mo si Stephen Hawking o si Woody Allen. Kahit di ka matalino, basta ba kahawig mo si Pichay o si Shrek, pwede kang kumontra. Kung wala kang maipresintang recent picture o sertipikasyon mula sa nanay mo na ipinaglihi ka sa mga lamanlupa, pasensya na pero mga sertipikadong pangit lang talaga ang pwedeng magbulalas ng mga negatibong opinion dito laban sa akin.
***
O sige. Bukas na lang ako opisyal na magpopost ng matinong entry. Pakiwelkam na lang ako sa Tabulas, kudos! :D
Currently listening to: John ColtraneCurrently feeling: Busog. Mood ba yun?